Sylvannas, Crepes, Durian Pannacotta, and Sugarcane Juice

image

Number one, Wheatberry’s Peanut sylvannas and the Classic sylvannas.


Paborito ko po talaga ang sylvannas kasi may hawig sya sa Sansrival na paborito kong cake. 😁 Kaya naman nakagatan ko na kagad sya hahahaha saka ko naisipang kunan ng picture para sa remembrance.

Ang sarap po 😍. Mas masarap ang classic nila kaysa sa peanut variant. For the price of P45 each, hindi na rin masama. Pero may mas masarap pa dito akong natikman at mas mura. 😉

Ang Wheatberry ay matatagpuan sa Scout Tuazon, Tomas Morato, Quezon City.
——————————

image

Number two! Crepes Delicious’ Mango Nutella.

Ang buong akala ko dahil mango at Nutella, masarap na. Hindi pala sila bati. Hehe.

But hey, their small space is good! Nakakatuwa yung fork at knives na nakakabit sa magnet, at ang patung-patong na bote ng Nutella na ginawa nilang display. Kung gusto mo ng medyo tahimik na pagmemeriendahan, pwede na dito. ☺

image

Ang Crepes Delicious at matatagpuan sa Ground Floor ng SM Sta. Rosa.
———————————

image

Okaay number three! World Streetfood Congress’ Durian-Biasong Pannacotta

Isa pa po ito hahaha may bawas na. Excited lang.

Ang Panacotta na ito ay gawa sa usual na gelatin para sa pannacotta, at may topping na Durian at mint leaves. Biasong po ang tawag nila sa mint leaves. Ito po ang isa sa star products ng isang booth na kinainan namin ng kaibigan ko sa WSFC.

The verdict? Hmm actually walang durian sa base. Nasa ibabaw lang. Nanghinayang kami sa mint leaves na hindi na-emphasize ang lasa dahil ginawa lang syang garnish. For the price of P150, ang masasabi ko po ay .. nice try. At least nalaman namin diba 😄

image

image

Ang WSFC ay ginanap sa 9th Avenue, Bonifacio Global City noong April 20-24 2016 na nilahukan ng iba’t-ibang bansa dala ang natatangi at pinagmamalaking kultura sa pamamagitan ng streetfood.
———————————-

image

Number four! Squeeze & Twist’s Calamansi Sugarcane Juice.

It’s a pop 👏👍

Ang sarap nito at ang healthy daw.
No refined sugar. No preservatives. Just the pure extract from the sugarcane or tubo in Filipino.

For the price of P55 for 12oz, okay naman. Masarap talaga.

Ang Squeeze & Twist ay natagpuan ko lamang sa Glorietta nang magkaroon sila ng World Food Asia noong April 28.

It’s a wrap 😄 maraming salamat po sa pagbabasa!

Advertisements

3 thoughts on “Sylvannas, Crepes, Durian Pannacotta, and Sugarcane Juice

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s